IKINAGALAK ni Senadora Nancy Binay ang pagbibigay ng matinding suporta ng Pangulong Ferdinand BongBong Marcos Jr., matapos nitong inendorso ang Pinoy Gastronomic tourism na nakatuon sa pagbibigay ng promosyon sa mga Pagkain Pinoy, kakanin at Pinoy delicacies sa kanyang sariling Vlog.
Si Binay na umamin na siya mismo ay isang taga angkilik ng pagkain kalye at pagkain Pinoy ay nagsabing napapanahon na para bigyan ng matinding suporta ng ating gobyerno ang mga pagkain Pilipino na hindi matatawaran ang sarap at kwalidad pagdating sa lasa.
Ikinuwento ni Binay na siya mismo ay mahilig kumain sa Ugbohan nila na dati sa makikita sa loob mismo ng City Hall ng Makati nuong panahon ng kanyang ama bilang Mayor ng Siyudad.
Para kay Binay, ang ginagawang ito ng Punong Ehekutibo ay isang magandang hakbanging upang mabigyan ng tsansa ang maliliit na negosyante na walang masyadong puhunan ngunit may kakayahan sa pagluluto na isang magandang kulturang hinangaan sa mga Pilipino mula noon hangang ngayon.
“Our street delicacies offer a raw and authentic glimpse into local cultures and flavors which showcase the heart and soul of a place. Natutuwa po tayo at pati ang Presidente ay naa-appreciate ang patuloy na pagkilala sa iba’t ibang Pinoy street food bilang mahalagang sangkap sa pagpapaangat ng ating turismo.” ani Binay.
Sa kanyang vlog kamakailan, mismong si Pangulong Marcos Jr. ang humihikayat sa lahat ng ating kababayan upang tangkiling ang pagkain Pinoy at mga produktong gawa sa atin.
Hinikayat din ni Marcos Jr. ang ating mga kababayan sa ibang bansa na hilahin ang kanilang mga kaibigan at mga katoto upang bumisita sa ating bansa para maipakita natin sa lahat aniya kung gaano kasarap ang ating mga lokal na pagkain gayundin ang pagka hospitable ng mga Pilipino na siyang katangian natural na taglay ng ating mga kababayan.
Sa nasabing vlog din ni Marcos Jr, ay buong pagmamalaki siyang nag-imbita na tikman ang ating mga pagkain at matinding promosyon din ang kaniyang ibinigay sa mga pagkain kalye o ugbohan (street food) tulad ng sikat na Pares o tinimplahan na baka, na may kasamang sinangag na kanin at sabaw ng pantulak.
Inamin ni Binay na sobrang ikinagalak niya ang ginawang ito ng Pangulo.
Inilarawan niyang “good job” ang ginawang ito ng Pangulo lalo`t ito ay nagbibigay promosyon sa kakayahan ng mga Pilipino sa larangan ng pagluluto at masasarap ng pagkain sa international community.
“And the credit goes to our very creative street hawkers and vendors for transforming simple local ingredients into bold, flavorful, satisfying taste, and meaningful culinary adventures that is truly Pinoy,” ani Binay na nagsabing napakasarap ng ating Pinoy Halo-halo at mga kakanin gayundin ng mga minatamis na gawang Pinoy at ibat ibang kutkutin.
Sinamahan din ng mungkahi ni Binay sa marami nating mga lider at ahensya ng pamahalaan na samahan ang Pangulong Marcos sa adhikain na ito na i promote and “Chibog” dahil naniniwala aniya siya na isang malaking merkado ang bubuksan nito sa ating mga kababayan at makalilikha aniya ng karagdagan na hanapbuhay at trabaho para sa maraming Pilipino.
Bukod pa aniya sa posibilidad na ito ay pwedeng tungtungan ng mga Pilipino na makalahok sa international market para ilaban ang ating mga lokal na “lutong Pinoy.”
“Dati na po nating sinasabi na tulungan nating iangat at i-level up ang kalidad ng pagkaing Pinoy dahil malaki ang potential ng food tourism, at isa rin itong powerful marketing tool. Kung tutuusin, ‘yung authenticity and unpretentious nature ng ating street food sa bawat probinsya o rehiyon contributes to the Philippines’ rich tapestry of culinary traditions–our local offerings practically capture the essence of Filipino culture,” giit ni Binay.